Or not really. Exaggeration. Haha.
Ano'ng kukunin kong elective?
1) Robotics
Actually, first year pa lang ako sa Pisay, eto na ang napili ko. Bakit kaya? Maybe because of the name. But seriously, mahilig akong magbuo ng kung ano anong mga laruang gumagalaw. Meron kaming beyblade, crush gear, tamiya, yoyo--you name it.(di ba dapat Ba El ito?) Lahat ng nausong laruan. Hehe. Pero baka wala daw..sana hindi. :(
2) Pop Law
Yeah! Haha. Since I first had the subject called Sibika when I was in grade 1, na-incline na ako sa Soc Sci. Talagang itong subject na ito nung grade school ako ang pinagbubutihan ko. Haha. Akin ang best in Hekasi from grade 1-6 (except nung grade 5):p And until now, pinagbubutihan ko pa rin naman. (really?) There was even a time when I wanted to be a Lawyer, and now, I think it's coming back. Pero bawal maging lawyer! Haha. (At maging presidente ng Pilipinas! Joke. Ako pa! Eh ayaw ko ngang maging leader sa mga group projects eh.)
3) Advance Chem/Math 6 (na malabong mangayari)
Ang Chem, hindi talaga pwede. At least 1.25 ang required grade sa Chem 1. Awww. Eh 1.5 lang ako. Sayang. Sa Chem, Comp Sci at Math lang naman ako interested eh. Tapos Math 6..parang di ko kaya. Pressure siguro..eh di naman ako ganun kagaling sa Math. Baka bumagsak pa ako. Hehe.
Pero sana yung chem.. pagbubutihan ko naman eh. Naka 1.25 naman ako nung 3rd qtr ahh..pero bumaba lang nung 4th. Sayang talaga.
Hayy. Gaya ng sabi ni Clariza, "Parang walang patutunguhan ang buhay ko kasi wala pa akong mapiling course." Haha!